Para masiguro ang pinakamagandang rate, ang bayad ay naka-base sa tumatawag at sa tinatawagan.

Pwedeng magbago sa bawat araw at sa bawat bansa.

Ang rate ay ipapakita sa simula ng bawat tawag.

Sa setting, piliin ang "Magdagdag pa ng load", tapos ay piliin ang gusto mong load (gamit ang PayPal o credit card). Mas mataas na load, mas mataas ang extra bonus na matatanggap!

Kung di ka pa nakakakuha, kumuha ka ng prepaid SIM sa bansang kinaroroonan mo. Sa maraming bansa, mura lang ito at may kasama pang 1 o 2 GB na mobile data. Sa ganitong paraan, magagamit mo ang lahat ng app na kailangan mo. Kung gusto mo ring gamitin ang home-SIM mo, dapat ay mayroon kang dual-SIM na phone o pangalawang phone. Maaaring lumang phone at/o yung napakamura lang. Gamitin mo ang abroad-SIM sa mas magandang phone, para lagi mong magamit ang data connection. Pwede ring baligtad, pero dapat ay i-setup mo ang pangalawang phone na parang WI-FI hotspot (sa phone settings, hanapin ang tethering/internet connection sharing). Yun nga lang, parehong kakain ng baterya ang mga phone. Magkagayunman, salamat sa Pirate Roaming, pwede mong tawagan ang bansa mo, kahit naglalakbay ka, nang hindi ginagamit ang iyong data package.

Pwedeng-pwede! Kailangan mo nga lang ng pangalawang phone, yung mumurahin lang pwede na, kung saan ipapasok mo ang abroad-SIM. Bumili ng prepaid SIM na may data bundle at i-share ang data sa iyong pangunahing phone (sa phone setting, hanapin ang tethering/internet connection sharing). Ngayon ay may abroad-internet connection ka na sa pangunahing phone mo.

I-install ang Pirate Roaming sa pangunahin mong phone - dahil baka hindi updated ang contact list mo sa pangalawang phone. Sa Pirate Roaming app, idagdag ang SIM number ng pangalawang phone at i-set na "Local". Kapag ginamit mo ang Pirate Roaming pangtawag, ang pangalawang phone ay magiging parang switchboard kung saan padadaluyin ang lahat ng tawag (pag-dial, pagsagot at pagsasalita).

Kailangan ang Pirate Roaming sa pangunahing phone para hanapin ang mga contact at mag-dial pag tatawag, pero ang pangalawang phone ang gagamitin sa pakikipag-usap.

Madali lang yan! Bumili ng Pirate Number ng iyong bansa: Buksan lang ang Settings tab sa Pirate Roaming app at i-tap ang "Kumuha ng Pirate Number". Sinuman ang tumawag sa Pirate Number na ito ay local charge lang ang babayaran (o wala, depende sa kanyang plan). Makakatanggap ka ng tawag sa Local SIM mo, at macha-charge ka ng maliit na halaga kada minuto sa iyong Pirate Roaming load. Para maiwasan ang international roaming fees, ang SIM na "Local" ay dapat SIM ng bansang kinaroroonan mo.

Oo naman! Hindi gumagamit ng data ang pagtanggap ng tawag.

Naghahanap pa kami ng solusyon para makatawag nang walang internet. Sa ngayon, kakailanganin mo pa rin ng internet para masimulan ang tawag: napakaliit lang ng data na kailangan kung kaya't pwedeng-pwede ang Pirate Roaming kahit na mabagal lang ang internet o pangit ang internet connection. Kapag nakikipag-usap na, hindi na kailangan ang data connection!

Walang problema! Pumunta sa Settings, i-tap ang "Magdagdag ng load", piliin ang gustong presyo, i-tap ang magbayad, at piliin ang "Magbayad gamit ang Credit Card" sa ibabang bahagi ng susunod na screen.

Ipinapayo naming mag-download lang ng Pirate Roaming sa mga opisyal na Tindahan. Hanapin lang ang app sa App/Play Store at sasabihin sayo kung mayroon nang update, gaya nang nakagawian na.

Kapag nasa ibang bansa, ang mobile data connection ay mas importante kaysa kapag ikaw ay nasa iyong sariling bansa. Ang paghahanap ng WI-FI, kapag kailangan, ay mas mahirap kaysa sa inaasahan mo, at ang pagiging offline ay maaring magpaantala o magbigay ng iba pang problema.

At saka, maraming tao pa rin ang nagdadalawang-isip sa seguridad ng libreng WI-FI hotspots. Ang libreng hotspot ay pwedeng i-hack (o maaring gumawa ng sariling hotspot) na syang papasok sa phone para magnakaw ng pribadong data, o magnakaw ng iyong pagkakakilanlan. Ang paggamit ng "libreng hotspot" ay di mo aakalaing napakagastos pala sa bandang huli!

Ang pinakamagandang paraan para makagamit ng mura - at ligtas - na data connection sa ibang bansa ay ang bumili ng prepaid SIM sa bansang kinaroroonan. Kapag nakabili na ng SIM, idagdag lang ito sa "Magdagdag ng SIM" sa app settings at i-set ito na "Local".

Kapag bumalik ka sa isang bansa na mayroon ka nang SIM, i-set lang iyon muli sa "Local" sa pamamagitan lang ng isang tap.

Ang Pirate Number ay local na phone number, na mayroon sa maraming bansa, na pwede mong bilhin sa App. Pwede mong gamitin ito para makaiwas sa pagbabayad ng Roaming kapag ikaw ay nasa ibang bansa. Pwede kang bumili ng number nang kahit na ilang bansa pa. Kapag na-activate na ang Pirate Number, ipamahagi ito sa iyong mga kaibigan, pamilya at kanegosyo: pwede mong i-text, i-email, i-Whatsapp, i-Facebook o gawing welcome message sa iyong voice mail. Kapag tinawagan ang iyong Pirate Number, magri-ring ang phone na kinalalagyan ng SIM na ginawa mong "Local" sa settings, kaya maiiwasan mo ang gastos ng Roaming. Sisingilin ka namin ng local call sa SIM na iyon.

Ang Pirate Number ay 2 Euro lamang (mas mataas lang ng konti ang halaga sa ibang bansa) at ito ay balido sa loob ng isang buwan. Kusa itong mare-renew, sa kaparehong petsa ng bawat buwan, sa kaparehong halaga. Kapag di mo na kailangan ito, pwede mong i-delete sa isang tap lamang. Hindi nga lang namin ire-refund ang anumang araw na hindi nagamit.

Hindi mo naman kakailanganin agad ang Pirate Number sa bansang binibisita (o tinitirhan, kapag expat), dahil pwede mong gamitin ang "Local" SIM mo at pwede kang tawagan doon.

Gayunpaman, palagian kaming nakikipag-negosasyon sa mga phone Operators sa buong mundo para makakuha ng phone number sa mga bansang hindi pa namin nakakaugnayan.

Tingnan ang tanong #11 para sa iba pang kaalaman sa Pirate Number.

Kung may Pirate Number ka sa kaparehong bansa na tinatawagan mo, ang Pirate Number ang makikita nya: pwede ka nyang tawagan nang walang international surcharges. Kung hindi man, ang SIM na naka-set na "Local" ang makikita nya. Kung anu't-anuman, kung sakaling hindi masagot ng iyong tinatawagan ang tawag mo, maari ka nyang tawagan!

Kapag ikaw ay nasa ibang bansa, ang iyong "home" SIM ay Naka-international Roaming. HIndi mo dapat sagutin ang tawag para makaiwas ka sa mahal na bayad sa Roaming. Kapag nakita mo ang number ng tumatawag sayo, pwede mo syang tawagan gamit ang iyong Pirate Roaming!

Gumamit lamang ng dual-SIM na phone o pangalawang phone, pero tandaan lamang na huwag sagutin ang anumang tawag para makaiwas sa gastos ng International Roaming!

Unti-unti kaming nakikipagkasundo sa ibang bansa. Sumulat sa amin sa newcountries@pirateroaming.com at sabihin ang bansang kailangan mo: tututukan namin ang mga bansang mas maraming humihiling!

Simple lang! I-reinstall ang App at i-enter ang parehong number na ginamit mo nung una. Kung magkaproblema, tingnan ang tanong #18.

Madali lang! I-enter lang ang number na ginamit mo nung una mong ininstall ang Pirate Roaming. Kung hindi na ito ang number mo, pakikontak ang support@pirateroaming.com, sabihin lamang ang number na una mong ginamit. Tatanungin ka namin nang ilang mga tanong para maprotektahan namin ang iyong privacy at mapigilan ang hindi awtorisadong access sa iyong account.

Pasensya na, pero hindi ito pwede, dahil ang Pirate Roaming ay hindi gumagamit ng outbound calls: inbound calls lang ang ginagamit nito - kahit na ikaw ang tumawag gamit ang app. Ang kagandahan lang, ang bayad sa tawag, sa kadalasan, ay mas malapit sa national call kaysa sa international.

Sa iba pang kaalaman kung paano nalalaman ang calling rates, tingnan ang FAQ #1.

Ipasok lang pareho ang home-SIM at abroad-SIM. Tandaang i-activate ang data internet connection sa abroad-SIM - mas makakamura kung mag-subscribe sa data bundle. Sa ganitong paraan, makikita mo ang tawag galing sa iyong bansa (huwag lang sasagutin para makaiwas sa gastos ng Roaming) at mai-enjoy pa ang data connection. Sa Pirate Roaming, idagdag ang abroad-SIM sa Setting, at i-set itong "Local": salamat sa Pirate Roaming, makakatawag at matatawagan ka (kung may Pirate Number ka) nang libre at maayos, habang naglalakbay.

May bagong feature ang Viber na ang tawag ay Viber-In Calls. Ang feature na ito ay: "Tumatanggap ng regular na tawag sa Viber, kapag pupwede". Ang Viber-In Calls feature ay awtomatikong naka-turn on sa karamihan ng mga naka-Viber. Sa aming opinyon, hindi magandang gamitin ang feature na ito kung may Local SIM ka, dahil libre ang pagtanggap ng tawag, at ang kalidad ng Viber ay masama kung minsan. Pwede mong i-turn off ang feature na ito sundin lang ang sumusunod: More (o simbulo ng menu para sa Android users) > Settings > Calls and Messages > Viber-In Calls > OFF.

Magbukas lamang ng help ticket sa loob ng app o kontakin kami sa support@pirateroaming.com at banggitin ang iyong phone number. Bibigyan ka namin ng buong refund, para ma-delete mo ang iyong Pirate Number at makabili ng bago.

Kapag gamit mo ang Pirate Roaming, ang aming mga server ay tatawagan ang iyong "local" SIM.

Ang pagsagot ng tawag sa local SIM ay libre kahit saan, pwera lang sa USA, kung saan ang telephone system ay sumisingil din sa mga pagsagot sa tawag, kung walang bundle na may kasamang national minutes, o unlimited national calls fare.

Hindi ito tungkol sa Pirate Roaming: ikaw ay pareho lang na macha-charge sa mga incoming call. Kaya dapat ay mag-subscribe kayo sa national calls bundle sa inyong Mobile Operator para makaiwas sa mga karagdagang singil.