Para magarantiya namin sa iyo ang pinakamababang rate, ang mga cost ay base sa calling at receiving numbers. Pwede magbago ang mga ito araw-araw o sa bawat bansa. Ang call rate na ginagamit ay ipapakita sa simula ng bawat tawag.

Sa setting, piliin ang Add Credit, tapos pumili ng gusto mong halaga ng reload (gamit kahit na Paypal o credit card). Habang tumataas ang pinili mong halaga, tumataas rin ang extra bonus na iyong matatanggap!

Kung wala ka pa nito, bumili ng prepaid SIM para sa bansa kung saan ka naroon. Sa karamihang bansa mura ito at may kasama ring 1 o 2 GB na mobile data. Sa ganitong paraan, malaya kang makagagamit ng lahat na kinakailangan mong apps. Kung gusto mo ring gamitin ang iyong home-SIM, kailangan may dual-SIM phone o pangalawang phone ka. Pwedeng luma o murang device lamang ito.

Pinapayuhan ka naming gamitin ang abroad-SIM sa inyong pangunahing phone, para lagi kang makakuha ng benepisyo sa data connection. Maaari mo ring gawin ang kabaligtaran, subalit kailangan mong mag-setup ng panglawang phone bilang Wi-Fi hotspot (sa phone settings, tingnan/hanapin para sa tethering/pag-share ng internet connection). Pero mauubos nito ang baterya ng parehong phone ninyo. Gayun pa man, salamat sa Pirate Roaming, makatatawag ka sa iyong tahanan, kahit nagbibiyahe, nang hindi kinokonsumo ang iyong data package.

Oo ba! Pero kailangan mo ng pangalawang phone, kahit na mura lang, kung saan ipapasok mo ang abroad-SIM. Bumili ng prepaid SIM na may data bundle at ibahagi ang data sa inyong pangunahing device (sa phone settings, tingnan/hanapin para sa tethering/pag-share ng internet connection). Ngayon, magkakaroon ka na ng internet connection abroad sa inyong pangunahing phone.

I-install ang Pirate Roaming sa inyong pangunahing phone - dahil maaaring hindi updated ang inyong contact list sa pangalawang phone ninyo. Sa Pirate Roaming app, idagdag ang SIM number ng pangalawang phone at gawin itong "Local". Kapag ginamit mo ang Pirate Roaming para tumawag, ang pangalawang phone ay magsisilbing switchboard kung saan dadaan ang lahat ng tawag (pag-dial, pag-sagot at pagsasalita).

Ang Pirate Roaming sa pangunahing phone ninyo ay kailangan para sa paghahanap ng contact at pagda-dial ng tawag, pero ang aktwal na tawag ay gagawin sa pangalawang phone.

Madali lang yan! Bumili ng Pirate Number sa inyong sariling bansa: Buksan lang ang Settings tab sa Pirate Roaming app at i-tap ang "Kumuha ng Pirate Number". Kahit sino pa ang tumawag sa Pirate Number na ito ay local call rate lang ang babayaran (o wala, depende sa kanilang plano). Matatanggap mo ang tawag sa iyong Local SIM, at maliit lang na halaga bawat minuto ang isisingil sa Pirate Roaming credit ninyo. Para maiwasan ang anumang internasyonal na roaming fees, tandaan na kailangang tugma ang SIM na naka-set na "Local" sa bansang inyong kinaroroonan.

Tinatrabaho naming ma-enable ang mga palabas na tawag kahit walang internet connection. Sa ngayon, kinakailangan mo pa rin ng data connection, para simulan ang tawag: pero maliit lang ang kailangang data, kaya perpektong gumagana ang Pirate Roaming kahit sa mabagal o mahinang internet connection. Sa oras na magsimula ang tawag, hindi na kinakailangan ang data connection!

Walang problema! Pumunta sa Settings, i-tap ang "Magdagdag pa ng load", piliin ang napupusuang halaga, i-tap ang "Magbayad gamit ang Credit Card" sa ibabang bahagi ng susunod na screen.

Nirerekomenda namin na mula sa opisyal na Stores lang mag-download ng Pirate Roaming app. Hanapin lang ang app sa App/Play Store at ipapaalam sa iyo sa normal na paraan, kung may available na update.

Kapag bumiyabiyahe abroad, ang mobile data connection ay lalong mas mahalaga kaysa sa sarili mong bansa. Ang paghahanap ng libreng Wi-Fi ay pwedeng mas mahirap kaysa sa inaakala, at pwedeng makaantala o magbigay ng iba't ibang problema.

Higit pa dito, maraming nagmamaliit sa panganib na panseguridad mula sa paggamit ng libreng Wi-Fi hotspots. Ang libreng hotspot ay pwedeng i-hack nang madali (o sadyang ginawa) para pasukin ang device mo upang nakawin ang pribadong data, o ang iyong pagkakakilanlan. Nanganganib mong madiskubre na ang paggamit ng "libreng hotspot" ay maaaring may kaakibat na malaking kabayaran kumpara sa iyong inaakala!

Ang tanging paraan para maka-enjoy ng mura - at may seguridad - na data connection abroad ay ang bumili ng prepaid SIM sa bansang kinaroroonan mo. Sa oras na nakabili ng abroad-SIM, idagdag ito sa "Magdagdag ng SIM" sa app Settings at gawin itong "Local".

Kapag pumunta ka sa isang bansa na dati ka nang may SIM, ibalik ito bilang "Local" sa pamamagitan ng isang tap.

Ang Pirate Numbers ay local na mga phone number, na available sa maraming bansa, at pwede mong bilhin direkta mula sa App. Pwede itong gamitin para maiwasan ang mga Roaming charges kapag ikaw ay nasa abroad. Pwede ka ring bumili ng mga number sa kahit gaano karaming bansa na gusto mo. Pagkatapos i-activate ang Pirate Number, ibahagi ito sa mga kaibigan, kapamilya, at kanegosyo: pwede mo itong ipadala sa SMS, e-mail, Whatsapp, Facebook o gawing mensaheng pambati sa inyong voice mail. Kapag tinawagan ka sa iyong Pirate Number, magri-ring ang phone na naglalaman ng SIM na inilagay mong "Local" sa settings, kaya maiiwasan mo ang kahit anong Roaming charges. Ang isisingil namin sa iyo sa SIM na iyon ay presyo ng local na tawag.

Ang isang Pirate Number ay naghahalaga lang ng 2 Euro (may ilang bansang mas mataas ng konti ang presyo) at balido ito sa loob ng isang buwan. Awtomatikong mare-renew ito, sa parehong araw bawat buwan, at sa parehong presyo. Kapag hindi mo na ito kailangan, pwede mo itong i-delete sa pamamagitan ng isang tap lang. Pero hindi ka namin mabibigyan ng refund sa mga araw na hindi nagamit.

Kadalasan walang agad-agad na pangangailangan na magkaroon ng Pirate Number sa bansang binibisita (o kinaroroonan ninyo, kung ikaw ay expat), dahil pwede mong gamitin ang inyong "Local" SIM nang direkta at matatawagan ka sa number na iyon.

Gayun pa man, patuloy kaming nakikipag-ugnayan sa mga phone operators sa buong mundo para makakuha ng phone numbers sa mga bansang hindi pa namin nasasakupan.

Tingnan ang tanong #11 para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga Pirate Numbers.

Kung meron kang Pirate Number mula sa bansang katulad ng sa tinatawagan, Ipapakita sa kanila ang iyong Pirate Number: matatawagan ka nila na walang binabayarang international charges. Kung hindi naman, ang makikita nila ay ang number ng SIM na ginawa mong "Local". Anuman ang mangyari, kung hindi nila nasagot ang tawag, lagi pa rin silang may kakayanang tumawag sa iyo pabalik!

Kapag nasa abroad ka, ang iyong "home" SIM ay gagamit ng International Roaming. Dapat hindi mo sagutin para maiwasan ang mataas na presyo ng roaming. Pero, kung nakikita mo ang number ng paparating na tawag, pwede mo silang tawagan pabalik gamit ang Pirate Roaming!

Kahit gumamit ng dual-SIM o extra na phone, pero alalahaning huwag sagutin ang mga incoming calls para maiwasan ang International Roaming costs!

Unti-unti kaming nakikipagkasundo sa iba't ibang mga bansa. Sulatan kami sa newcountries@pirateroaming.com at ipagdiinan ang bansang kailangan mo: Itataas namin ang kahalagahan at uunahin ang mga bansang may pinakamaraming request!

Simple lang! I-reinstall ang App at i-enter ang phone number na pareho sa naunang ginamit mo. Kung may problema ka, tingnan ang tanong #18.

Madali! I-enter lang ang number na una mong ginamit nang nag-install ka ang Pirate Roaming. Kung hindi mo na ito number, paki-kontak ang support@pirateroaming.com, at i-quote ang number na una mong ginamit. Tatanungin ka namin ng mga security questions para maprotektahan ang inyong privacy at mahadlangan ang hindi awtorisadong access sa inyong account.

Pasensya na, pero teknikal na hindi ito posible, dahil hindi gumagamit ng papalabas na tawag ang Pirate Roaming service: mga papasok lang na tawag ang ginagamit nito - kahit na tumawag ka pa gamit ang app.

Pero, ang halaga ng tawag ay kadalasang mas malapit sa national na tawag, kaysa sa international.

Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa kung paano nararating ang halaga ng rates. Paki-tingnan ang FAQ #1.

Ipasok ang home-SIM mo at abroad-SIM. Tandaang i-activate ang data internet connection ng abroad-SIM lamang - mas hamak na mas mura ito kaysa mag-subscribe sa data bundle. Sa paraang ito, makikita mo ang mga incoming call galing sa home country mo (tandaan lamang na huwag sagutin para makaiwas sa Roaming costs) at i-enjoy din ang data connection. Sa Pirate Roaming, idagdag ang abroad-SIM sa mga Setting, at i-set na "Local": salamat sa Pirate Roaming, makakatawag at makakatanggap ka ng tawag (kung may mga Pirate Number ka) nang libre at maaasahan, habang naglalakbay.

May bagong feature ang Viber na tawag ay Viber-In Calls. Ang paglalarawan sa feature na ito ay: “Tanggapin ang mga regular incoming calls gamit ang Viber, kapag posible“. Ang Viber-In Calls feature ay awtomatikong naka-on para sa karamihang mga user. Sa aming pananaw, walang rason para gamitin ang feature ito kung may Local SIM ka, dahil libre naman talaga ang pagsagot sa phone, at pwedeng hindi maganda ang kalidad ng Viber.

Madali mong i-off ang feature na ito gamit ang simpleng hakbang na sumusunod: More (o menu symbol para sa mga Android users) > Settings > Calls and Messages > Viber-In Calls > OFF.

Magbukas ng help ticket sa loob ng app o kontakin kami sa support@pirateroaming.com banggit-banggit ang iyong phone number. Isosoli namin ng buo ang iyong ibinayad, para ma-delete mo ang iyong Pirate Number at makabili ng iba.

Kapag gamit mo ang Pirate Roaming, ang aming mga server ay tatawagan ang iyong "local" SIM.

Ang pagsagot ng tawag sa local SIM ay libre kahit saan, pwera lang sa USA, kung saan ang telephone system ay sumisingil din sa mga pagsagot sa tawag, kung walang bundle na may kasamang national minutes, o unlimited national calls fare.

Hindi ito tungkol sa Pirate Roaming: ikaw ay pareho lang na macha-charge sa mga incoming call. Kaya dapat ay mag-subscribe kayo sa national calls bundle sa inyong Mobile Operator para makaiwas sa mga karagdagang singil.